Thursday, September 8, 2011

Sangguniang Kabataan sa ilalim ng bangungot


Sangguniang kabataan.
Ang pilipinas ay angna iisang bansa sa boung mundo na may mga kabilang na kabataan sa lipunan ng gobyerno. Ginawa ito upang matuto ang mga kabataan kung paano gawin ang karapat dapat sa kanilang bayang sinilangan. Sa ngayon ang batas ng sanguniang kabataan ay matatag parin at aktibo sa mga usapin ng bansa. maguumpisa sa pagkakahalal a mging SK Chairman ng barangay pagkatapos ay ihahalal muliang panglunsod ng sk chairman o tinatawag na konsehal ng panlunsod,pagkatapos nun ay ihahalal muli ang panlalawigan sk chairman at siya ay kabilang na sa mambabatas ng lalawigan.ang taas nuh?parang family tree lang.  Madaming pribelihiyo ang pagiging pangulo ng sangguniang kabataan o sk chairman kung twaginisa na dito ang pagkakaroon ng 10% percent na budget sa IRA ng barangay,municipal o lungsod at lalawigan. Imagine, kabataan ka lang may budget ka na upang mapaganda ag iyong nasasakupan. Opo ang dami pong naghahangad ng makabilang sa SK chairman. Dahil may SAHOD.
                Eto ngayon ang problema,pasensya na kayo aking mga kabaro mukhang ilalabas ko na ang baho na hindi tayo ang nagsimula. MAHIRAP!!MASAKIT. yan ang aking napagalaman nung akoy nahalal bilang sk chairman ng aming barangay. Ang dami kong ediya kung paano ko pagagandahin ang aking nasasakupan. Iyon pala pag andun ka na mahirap na.sa lahat ng aking mga kabaro mag aminan na tayo, sumasabay na ba tayo sa isang maruming agos o manaatili tayong biktima ng kasulukuyan?.ang hirap di po ba? Gagawa ka ng proyekto mo ang daming naghahabol sayo,para saan? Para sa porsyento na iyong maibubulsa tama ba?. Noong una tinanong ko ang sarili ganito ba kasarap ang mapabilang sa SK CHAIRMAN?kasi magseseminar ka gobyerno pa magbabayad sa iyo para lang ikaw ay matuto. Pero napagtanto ko na iba pala, habang tayo ay manhid sa katotohanan may nagpapakasasa na pera sa taas.bato bato sa langit matamaan huwag magagalit. May mga iba ding pasikat mga taong lumaban dahil sa sahod,sa kasikatan gagastusan ng pamilya ng humigit kumulang perang pambili ng ulam ibibigay na lang sa botante para igurado na ang isa. Hindi ko kayo nilalahat aking mga kabarlo alam niyo yan.
                Bakit ba mga kabaro ang daming naghahabol sa atin?? Dahil ba sa sikat tayo o dahil sa hidden agenda nila. Nabwibwisit ako pag may nakikita akong tao na kung ngumiti akala mo ngiting aso pero may nakatagong tinga sa kanyang mga balak.
                Kabaro tatanungin kita. Naranasan mo na ba ito?? Masakit diba? Masarap na masakit?? Patuloy ba tayong magiging biktima sa pulitikang sobrang bahid na ng kasinungalingan sa lipunan??paao natin mababago ang kasalukayan kung mismong ang taas ang nagsisilbing pader na maihirap gibain. Grabe nuh? Kabaro kelan tayo magiging ganito. SK chairman tayo nanumpa tayong gagawin ang lahat para sa ating naasakupan ng walang pagiimbot. Sinumpaan natin iyan sa diyos, sa bayan at sa tao pero bakit ganito ang nangyayari?? Nasasalo natin ang nangyayari dati. HISTORY REPEAT ITSELF!!! Ouch!!!
                Kabaro titindig ka pa ba pagkatapos mong basahin ito o hindi mo na patatapusin sapagkat naihanay mo ang sarili mo rito?? Masasabi mo ba na ikaw ay biktima at ayaw mo na ng walang kwentang sistema. Gagalaw ka  na ba para maitama ang pagkakamali ng nagdaang henerasyon. Ipaglalaban mo ba ang mga kabataang iyong nasasakupan sa paraang alam mong maraming kang masasagasaan. Alam mo ba kabaro ang dami ko na ngang nasagasaan ngayon eh. Pero pasensyahan isinisiwalat ko lang ang aking mga nalalaman sa aking kapaligiran..
                Kelan ka pa kikilos..tsong tatlong taon lang ang igugol natin sa pagiging SK chairman.. hindi pa huli ang lahat…
                 

1 comment:

  1. sorry sa mga natatamaan...
    ito'y reaksyon ng isang tao lamang..
    taong hindi bulag sa katotohanan!!!!!

    ReplyDelete