Friday, September 16, 2011

SA BINGIT NG MASIGASIG NA ABOLISYON ( SK pt. 2)

Sangguniang kabataan
Abolisyon o reporma

                Sa una kong artikulo na patungkol sa ating mga sangguniang kabataan ay ang dami kong nakuhang mga reaksyon, mga kuro-kuro. At ang kagandahan nun ay madaming natameme sapagkat may sundot sa damdamin ng aking mga mambabasa lalo na ang katulad kong mga opisyal ng sangguniang kabataan. Sa aking unang nailathala ay marami sana ang nabuksan ang kaisipan sa lipunan na ating ginagalawan. Akoy tutupad sa aking pangako na muling magsulat ng artikulo patungkol sa atin. Uy alam mo bang umani rin ako ng batikos??hehe siguro nga subalit ako nama’y isa lamang tao na gusting sumulat kung ano ang aking nakikita sa aking paligid at iyon ang aking mga isinisiwalat. Ito ngayon ang aking artikulo. Ang umaatikabong bakbakan sa kongreso pati na ang mga kabataang Pilipino, pati mga barber, tubero, byahero, sipulturero at higit sa lahat ang mga MAGNANAKAW NA PULITIKO!!. Oist ilag ka baka matamaan ka..bang bang…!!!.
                ABOLISYON!!!!! WALA KAYONG ALAM DITO!! Sabi ng mga ibang mga mambabatas sa ating lipunan. Pagka’t  nakikita nila ay iba na ang nangyayari sa ating lipunan. Ang daming dahilan kung bakit sila diskumpyasado sa SANGGUNIANG KABATAAN. Teka muna teka muna teka himay-himayin natin ang usaping ito. Nagiging TRAINING GROUND daw ng kurapsyon ang sangguniang kabataan kung kaya’t gusto na nila itong alisin.. ooppzz!!! English yun!!! TRAINING GROUND DAW OH.WAPPAK!!!! OUCH !! MASAKAT YUN AH. Grrabe naman kung magsalita ang mga tao nasa posisyon. Kayo naman ang tatanungin ko, mga mambabatas ng republika ng pilipinas, nakikita nyo ba ang tunay na imahe ng aming lipunan?? Anong nakikita nyo? kung kurapsyon ang nakikita nyo, ano ngayon ang tingin ninyo sa amin?? Mga KURAKOT??!! Sandali, bago pa lang kami sumabak sa ganitong karera ang nais naming ay maglingkod, subalit hindi ho kayo BULAG upang hindi ninyo Makita na kami ay biktima ng ganitong KALAKARAN. Sino ba ang nasa taas?? Kami ang napagbubuntungan ng inyong mga reklamo subalit bakit yung mas mataas samin hindi ninyo sugurin?? CORRUPTION mga kabaro pumapayag ba kayo na ito ang itawag satin??? Ako AYOKO..EH IKAW??. Ang sa akin lamang po eh medyo magi sip isip muna…kabataan po kame, ika nga ni RIZAL kami ang pag asa ng bayan. eh paano naman po yung mga BUWAYA na nakasout ng mascara sa kamara, mga taga-ubos ng kaban ng bayan!!
                Nakakabadtrip diba aking mga kabao? Pero hindi natin sila masisisi sapagkat iyon ang kanilang reaksyon. At ang reaksyon naming iyon ay nakabase narin ating mga nagawa. Siguro ay nabibitin sila??owws di nga??( Kami bitin na bitin sa batas na pinapanukala ninyo eh). Sa lahat naman ng kongresista na bumoto sa reporma, maraming salamat sa pagtitiwala. At sa ibang pulitiko naman na mentor ng iba kabataan para gumawa ng kabalbalan KAYO SA ANG I-ABOLISH SA MUNDO!!!! MGA ANAK KAYO NG MGA NANAY NIYO!!!.
                Ikaw kabaro?? Kelangan pa ba talaga tayong alisan ng karapatan para maglingkod sa lupang ating SINILANGAN?. Lalaban ka ba upang ipagtanggol ito o sadyang ayaw mo lang madamay sa gulo kaya huwag na..tatayo kana  lamang ba sa isang lugar tapos wala na echos na?. pero pag ginawa mo yun ako na mismo nagsasabi sa’yo mag migrate ka na lang wala ka naming kwenta eh. Sarili mong bayan hindi mo kayang ipaglaban. Kabaro ako lalaban ako.. ayoko ng abolisyon masyadong one-sided ang mga basehan!!!!!
                At para sa inyo mga nakakataas sa’ amin tantandaan niyo.
HINDI NIYO KAMI MAIKAKAHON, MARAMI KAMI AT IISA LANG ANG AMING MISYON!!!!!!

Thursday, September 8, 2011

Sangguniang Kabataan sa ilalim ng bangungot


Sangguniang kabataan.
Ang pilipinas ay angna iisang bansa sa boung mundo na may mga kabilang na kabataan sa lipunan ng gobyerno. Ginawa ito upang matuto ang mga kabataan kung paano gawin ang karapat dapat sa kanilang bayang sinilangan. Sa ngayon ang batas ng sanguniang kabataan ay matatag parin at aktibo sa mga usapin ng bansa. maguumpisa sa pagkakahalal a mging SK Chairman ng barangay pagkatapos ay ihahalal muliang panglunsod ng sk chairman o tinatawag na konsehal ng panlunsod,pagkatapos nun ay ihahalal muli ang panlalawigan sk chairman at siya ay kabilang na sa mambabatas ng lalawigan.ang taas nuh?parang family tree lang.  Madaming pribelihiyo ang pagiging pangulo ng sangguniang kabataan o sk chairman kung twaginisa na dito ang pagkakaroon ng 10% percent na budget sa IRA ng barangay,municipal o lungsod at lalawigan. Imagine, kabataan ka lang may budget ka na upang mapaganda ag iyong nasasakupan. Opo ang dami pong naghahangad ng makabilang sa SK chairman. Dahil may SAHOD.
                Eto ngayon ang problema,pasensya na kayo aking mga kabaro mukhang ilalabas ko na ang baho na hindi tayo ang nagsimula. MAHIRAP!!MASAKIT. yan ang aking napagalaman nung akoy nahalal bilang sk chairman ng aming barangay. Ang dami kong ediya kung paano ko pagagandahin ang aking nasasakupan. Iyon pala pag andun ka na mahirap na.sa lahat ng aking mga kabaro mag aminan na tayo, sumasabay na ba tayo sa isang maruming agos o manaatili tayong biktima ng kasulukuyan?.ang hirap di po ba? Gagawa ka ng proyekto mo ang daming naghahabol sayo,para saan? Para sa porsyento na iyong maibubulsa tama ba?. Noong una tinanong ko ang sarili ganito ba kasarap ang mapabilang sa SK CHAIRMAN?kasi magseseminar ka gobyerno pa magbabayad sa iyo para lang ikaw ay matuto. Pero napagtanto ko na iba pala, habang tayo ay manhid sa katotohanan may nagpapakasasa na pera sa taas.bato bato sa langit matamaan huwag magagalit. May mga iba ding pasikat mga taong lumaban dahil sa sahod,sa kasikatan gagastusan ng pamilya ng humigit kumulang perang pambili ng ulam ibibigay na lang sa botante para igurado na ang isa. Hindi ko kayo nilalahat aking mga kabarlo alam niyo yan.
                Bakit ba mga kabaro ang daming naghahabol sa atin?? Dahil ba sa sikat tayo o dahil sa hidden agenda nila. Nabwibwisit ako pag may nakikita akong tao na kung ngumiti akala mo ngiting aso pero may nakatagong tinga sa kanyang mga balak.
                Kabaro tatanungin kita. Naranasan mo na ba ito?? Masakit diba? Masarap na masakit?? Patuloy ba tayong magiging biktima sa pulitikang sobrang bahid na ng kasinungalingan sa lipunan??paao natin mababago ang kasalukayan kung mismong ang taas ang nagsisilbing pader na maihirap gibain. Grabe nuh? Kabaro kelan tayo magiging ganito. SK chairman tayo nanumpa tayong gagawin ang lahat para sa ating naasakupan ng walang pagiimbot. Sinumpaan natin iyan sa diyos, sa bayan at sa tao pero bakit ganito ang nangyayari?? Nasasalo natin ang nangyayari dati. HISTORY REPEAT ITSELF!!! Ouch!!!
                Kabaro titindig ka pa ba pagkatapos mong basahin ito o hindi mo na patatapusin sapagkat naihanay mo ang sarili mo rito?? Masasabi mo ba na ikaw ay biktima at ayaw mo na ng walang kwentang sistema. Gagalaw ka  na ba para maitama ang pagkakamali ng nagdaang henerasyon. Ipaglalaban mo ba ang mga kabataang iyong nasasakupan sa paraang alam mong maraming kang masasagasaan. Alam mo ba kabaro ang dami ko na ngang nasagasaan ngayon eh. Pero pasensyahan isinisiwalat ko lang ang aking mga nalalaman sa aking kapaligiran..
                Kelan ka pa kikilos..tsong tatlong taon lang ang igugol natin sa pagiging SK chairman.. hindi pa huli ang lahat…