Tuesday, August 9, 2011

kabataan ano nga ba ang KAPATIRAN?

            Ano nga ba ang kapatiran??
            Kabataan ano ba para sa iyo ang kapatiran..



            Marahil ay halos lahat sa atin ay nakakaalam patungkol sa kapatiran o prat pra sating mga pinoy, di po ba?? Nagsimula ang kapatiran o hukbo nung una pang mga panahon. Nandyan na ang KKK na malaki ang naiambag sa historya ng pilipinas pra sa pagkamit ng kalayaan.
              Ngunit sa panahon ng modernisasyon ewan ko ba kung bakit ang kapatiran na noo'y kagalang-galang ay naging mitsa ng pagkakasira ng buhay ng mga kabataan. Sa aking malayang pagmamatyag sa sosyalidad na aking ginagalawan ay madami ng pagbabago na aking kinakabahala. Andyan na sa balita, sa peryodiko sa mga opisina ng pulisya pati ang opisina ng prinsipal ng mga paaralan. kung hindi napagulo,napagbintangan. Kung hindi nabugbog, nasaksak! At kung minsa'y namamatay. at ano ang DAHILAN??
KAPATIRAN!!!!
                  teka nga't himayin natin kung ano talaga ang kapatiran.
               may iba't ibang klase ng kapatiran.subalit ang nakakagimbal ay ang grupong nagsasabi na sila ay prat pero hindi naman.yan ang mga GANGSTER kung tawagin!!
ETO ANG GANG.

ALPHA PHI OMEGA GOOD FRATERNITY


             Kabataan ang kapatiran ay isang grupo na kung san may sinusunod na prinsipyo at batas. hindi prinsyipyo at batas para pumatay. kung nababalak ka na maging siga sa inyong lugar o nirerespeto kasi ikaw ay tigas, bakit di mo kaya subukan na ikaw lang..huwag ka ng pumasok sa kapatiran.ito'y isang halimbawa ng isang mabuting kapatiran.
                KAPATIRAN ay maituturing mo rin na pamilya. pero aabisuhan na kita hanggat maaga pumili ka na ng maganda kapatiran o huwag na lang kaya...
                May mga kagandahan sa kapatiran. oo marami sapagkat aaminin ko isa akong miyembro ng FRAT na alam ko na maganda ang prinsipyo at doctrina at pati disiplina. Andyan na ang pangalawang pamilya na nasabi ko. Magkakaroon ka ng maring Brods at Sis na maituturing mong kapatid na kayang tumulong. Marami karing maitutulong para sa adhikain ng iyong kapatiran, para sa sarili at para sa bayan.
                Kapatid.oo ikaw na nagbabasa nito magisip ka. ayokong nakikita ka sa daan na nanghohold up o gumagawa ng masama dahil sa udyok ng barkada. tandaan mo gangster ay iba sa kapatiran o fraternity. kung sa gangster ka sumama ipagbigay alam mo sakin para naman mailista ka sa mga kbataan na sira na ang kinabukasan.

  ito pa nga pla pra sa lahat ng nagbabasa kahit miyembro ka ng kapatiran hindi parin mababago ang natural mong ugali. sana nga at hindi magbago..kabataan pag asa ka....ngayon magisip isip ka na...

1 comment: